Posts

Showing posts from March, 2017

Sa Pagitan ng Takipsilim

Image
Sa pagitan ng takipsilim, nagpaalam sa akin ang mga gunitain. Ang mga tanong ay nagliliparan na pawang mga paro paro sa hangin. Bahay at buhay, mga bagay na hindi magkandarapa sa mga oras na umaalipusta. Kamakailan, may dalawang binatilyong sumaksak sa kadiliman. Hawak nila ang leeg nito’t halos magpaalam. Pakinig ko’y nandarambong, pakinig ko naman doon ay away ng tadhana. Humayo’t nagtanong nalaman ko sa Bibliya ang mga sagot sa mga tanong.
Hindi ba’t ang karimlan ay mapangahas mangakit? Hindi ba’t ang awit nito’y kasingtamis ng pulot ng pukyutan? Kapag napadami’y pawang hinahanap hanap. Ganoon nga ang nangyari.
Lacerated. Punctured.
Ang sahod ng kasalanan ay kamatayan.
Ngayon, tuwing ako’y nagmomotor, nadadaanan ko ang mga buhay na tila’y walang pag-asa. Mga kunot nuong simangot umaalintana. Dati rati’y damdamin ko’y nababagabag, ngayon tila parang mga gamo gamong dumadapo sa aking balikat.
Ang mga batas at mga kaganapan ay rumaragasang parang tren na walang preno. Pinamasid …