Wednesday, May 28, 2014

Paano at Bakit Kailangan Bumili ng Domain

Why do you need a domain? A Filipino blogger's tip for new Filipino bloggers. Written in Filipino.

Bakit kailangan ng domain?

Matagal na akong blogger na nagsimula pa noong 2006. Dati rati, ok lang sa akin ang walang domain. Happy na ako sa dannybuntu.blogspot.com.

Ano ang domain?

Ito ang pangalan ng iyong blog o website. Halimbawa: "kuripotako.com"

Ayaw kong bumili ng domain dati, dahil hindi ko alam kung paano bumili at wala rin naman akong pera. Sa katunayan ay mura lang ang iba sa mga ito. Nasubukan ko na ring bumili na ang pinakamababa ay $2 o halos P100 lang. Pero may promo noon at gumamit ako ng "coupon code" o discount code.

Ngayon wala na akong makitang ganong presyo. Karaniwan ang ordinary na domain (tulad ng mga nagtatapos sa .com) ay umaabot ng $10.67 USD o halos P500.

Saan makakabili ng domain?

Maraming pwedeng pagbilihan ng domain. Bahala ka kung saan mo gusto.

1. name.com
2. namecheap.com
3. panabee.com
4. enom.com
5. godaddy.com
6. dot.ph para sa mga .com.ph, .ph, .net.ph, .org.ph

Bakit kailangan ko ng domain? 

Sayang, pwede ring pangjolibee o Starbucks yang P500 na yan. Maraming bagitong blogger ang paulit ulit na nagtatanong.

Ang pinakamabilis at pinakadirektang sagot ko ay ganito:

Pag wala kang domain:

1. Mukha kang bagito - bagay na may dalang iba't ibang persepsyon. Kahit hindi totoo, eto ang dating mo hindi lang sinasabi ng tao. (EXCEPT: Kung kilala kang public personality at napalabas sa TV. O, napalabas ka na ba sa TV? Hindi kasama yung mga panahon na tumatalon talon ka nang maka shoot ng bola sa PBA ang idol mo at nakuhanan ka sa camera dahil suot mo ang jersey niya. Hindi rin kasama yung panahon na ininterview ka dahil kumakain ka ng pishbols sa Umagang Kay Ganda.)

  • a. Wala kang alam o hindi mo inalam
  • b. Kuripot ka at ayaw gumastos ng P500
  • c. Tamad ka dahil ayaw mong pagaralan. 
So what - chocnut? Sabi mo siguro. Hindi ba na kapag may ibinibenta ka mapa serbisyo man o produkto - kailangang mong patunayan na naniniwala ka dito? Higit sa lahat kailangan mong patunayan na may halaga ito. 

Halimbawa: Camella house and lot.

Kunwari, ikaw si galing-abroad-na-umaalingasaw-ng-amoy ng pera galing sa langis ng Dubai o dolyar ng Amerika. Nakashades ka, at branded lahat ng suot mo. Kung magsalita ka e wala na ang punto mo na galing pang probinsya. In short. 

Yu hab kash, meyynnn. 

Ngayon, may lumapit sa'yo 2 tao. Pareho sila ng ibinibenta - Camella House and Lot para sa iyong mader at pader o jowa o gelpren. 

Yung isa, nakakurbata, longsleeves (kahit sankadamukmuk ng init dito sa Pinas), naka balat na sapatos, at magalang magsalita. Pinakita niya sa iyo ang modelo nung bahay at bukod pa roon ay nag-abot siya ng calling card niya sabay ngiti. "Sir" o "Maam" ang tawag niya sayo kahit hindi ka naman ginawang Knight o Lord ni Queen Elizabeth.

Talagang, sa Ingles ay tinatawag na - "Best foot forward

Yung isa naman, ay isang matandang nakatsinelas, naninigarilyo at nakasando lamang. Don't judge a book by its cover ika nga. Pero habang naglalakad siya ay natalisod ng kaunti at napasigaw - "Put%#@ semento yan". Nagulat ka at ang iyong mga kasama at nagpigil na lamang ngumiti. 

"Maayos akong kausap" sabi nung matanda na bungi ng siyang makatindig muli. "Basta ang komisyon ko ay 30%"

Ngumiti lamang yung nakakurbatanag kasama. 

Ngayon, tanong ko lamang, kanino ka kukuha ng Camella House and Lot? Dun sa una o sa pangalawa? 

Ewan ko sa'yo kung ano ang disisyon mo. Pero ang sa akin ay ganito. 

Ang pangalan ng tao ay ang kanyang pangharap na mukha bukod sa kanyang mukha. Ha? Ano?

Ganoon din online. Sino ka? Ako si "boykuripot.com" handang tumulong sa iyong pamperang problema. 

Ngayon kung ang website mo ay "Expertoakosapinansyalplanning.kuripot.com?" sa tingin mo ba ay may papansin sa iyo? Siguro meron - ang may ari din ng hehehekuripotdinako.kuripot.com" 

Kahit gaano ka kagaling o katalino, kinakailangang pa rin ipakita mo na pinaghandaan, ginastusan at pinaghusayan mo ang iyong mga sinasabi at sinusulat. Kung online ka, kailangan may sarili kang pangalan at hindi nakatungtong sa iba.

Kung ayaw mong maniwala, sige at bahala ka sa buhay mo. Pagpatuloy mo lang yan, usap tayo pagkatapos ng limang taon. 


"Ok. Gusto ko ng bumili ng domain"

Tulad ng nakasulat sa ibabaw, maraming pwedeng pagkuhanan ng domain. Mas mahal ang mga .com.ph, .ph, .net.ph at .org.ph kaysa na sa .com, .net at .org. Dati rati ang average price ng domain ay nasa $10 lamang o humigit kumulang sa P410 to P450 ayon sa palitan ng piso at dolyar (USD). 

Pero noong 2013 - yata. Nagkaroon ng mga bagong domain name extension. Nariyan ang mga .realestate, .house, .car at kung ano ano pang . . . Sa awa ng Diyos, wala pa akong nakitang 

 .kuripot

Ngayon, para makakuha ka ng domain, kinakailangan mo ng Paypal at credit card o debit card. 

1. Pag wala kang debit o credit card - hindi mo magagamit ang Paypal account mo o limitado lamang.
2. Niririkomenda ko ang Unionbank savings account - dahil Visa ang kanilang Unionbank Eon Savings Account debit card. 

Patnubay: matagal ko na itong ginagamit at wala akong kahit isang sentimong kumisyon kung magoopen ka ng account sa kanila. May magaapat na ring taon o mahigit. Di ko na matandaan. Naaalala ko lang kasi madalas wala itong laman kahit 3 buwan o mahigit pero hindi nila ito kini-close. 

Dahil masyado na itong mahaba, puputulin ko muna ang aking sinulat. 

No comments:

Post a Comment

EventId's in Nostr - from CGPT4

The mathematical operation used to derive the event.id in your getSignedEvent function is the SHA-256 hash function, applied to a string rep...