Sunday, March 01, 2015

Isang Tulang Personal at Hindi Mala Propesyonal

Sa kaguluhan ng daigdig,
dahas madalas ang nananaig
Kung sinong malakas,
ay syang nangangalandakang wagas

Ngunit sa batas nasilayan
higit pa sa gintong alahas
Alin ang susundin ay syang bunga ng
pagtatanim

Mayroong tatlo sa aking kamalayan
Batas ng tao
Batas ng kalikasan, at higit sa lahat
Batas ng Diyos

Dito pinakamababa ang batas ng tao
Naaamyendahan, naiikot ikutan madalas napapabayaan.

Batas ng kalikasa'y unti unti nating natutuklasan
Pwedeng baguhin kapag sapat ang kaalaman

Batas ng Diyos ay mahirap unawain
pagka't sino nga ba ang tamang sasambahin?

Ngunit sa proseso ng tao marahil mas madaling makita
Kung alin ang mali, at alin ang tama.

Pinitik ang iyong ilong, ikaw ba'y maghihiganti?
Siniko mo ang panga, siya nama'y nanadyak ng mariin
Mata sa mata, ngipin sa ngipin ano ang bunga ng paghihiganting
kay dilim?

Mahirap maging tunay na Kristiyano, mas madali pa ang maging
banal na aso...
Kung sarili'y sisiyasatin, ay lintik kay dami nating SIN!

Sa aking pagsilip nasilip ang munting katotohanan.
Na hindi paghihiganti ng dugong kumukulo ang sagot sa mga
kasindakan

Mahirap gawin, ngunit yan ang katotohanan.
Lalo na sa panahong ngayon na pera sa bulsa marami ang pinagkakaabalahan

Iba na ang mundo ngunit ang batas ng kaitas taasan ay nariyan pa rin
Sino nga ba sa kanila ang dapat sundin?

Yung mga kumakatay ng tao o yung syang namatay para sa iyong kasalanan?

Kaibigan, kapatid iyan ang dapat mong tignan...

No comments:

Post a Comment

EventId's in Nostr - from CGPT4

The mathematical operation used to derive the event.id in your getSignedEvent function is the SHA-256 hash function, applied to a string rep...