Tuesday, June 09, 2015

Sa Dalampasigan...


Noong ang araw ay bata pa, pagbangon sa umaga'y ang halik ng hangin ang bumabadya sa aking gunitain. Sisikat ang araw sa may Silangan at ako'y mag-uunat at maghahandang pumalaot sa dagat.

Nariyan ang agahan.

Simpleng kanin, simpleng ulam.

Ngunit walang pag-agam agam at ang bukas at kahapo'y nakabalot lamang sa ngayon.

Nariyan ang mga bata, at sa barong barong ko'y may tamis ang bintana.

Lalakad ako sa mga buhanging maputi at ang kalikasa'y humuhuni at umaawit. Ang mga bulong ng alon ay bakas sa aking isipan habang hinahanda ang aking mga kagamitan.

Sa aking pagkilos ako'y napatigil.

Tumingin sa dagat, sa malayong kawalan na walang hanggan.

Batid ko ang tubig na dumadampi sa aking mga paa. Tumambad at sinilayan ang bakas ng tubig dagat. At sa aking tuwa, ako'y napaluha sambit sa hangin:

Panginoon, ang Inyong lingkod ay nagagalak at nagpapasalamat. Sapagkat kaloob niyo po ang lahat ng ito ng walang singil at walang kapalit.


At ang hangi'y lumipas sa aking mukha, tanda ng pagtanggap sa aking mga panaginip.

~
~
~
Image credit: Flickr

No comments:

Post a Comment

EventId's in Nostr - from CGPT4

The mathematical operation used to derive the event.id in your getSignedEvent function is the SHA-256 hash function, applied to a string rep...