"Go. Just go."
Para sa mga walang kumpyansa...
Darating ang araw puputi ang buhok mo o di kaya'y kalbo. Tititig ka sa malayo at mag-iisip tungkol sa kahapon, sa araw na iyon o sa bukas mong kakaunti na lamang.
San ka nagwagi, san ka pumalpak, san wala lang. May masakit, may masarap, may wala lang.
At eto sasabihin ko sa inyo, ang pagiisipan mo ng husto ay yung mga pagkakataong - hindi ka sumubok.
"Nasaan kaya ako ngayon kung ginawa ko to kahapon?" Tiyak ko, iyan ang tatanong mo sa sarili mo. Araw araw mong iisipin yan.
So kung may pagkakataon ka ngayon, hindi mali, walang masasaktan, hindi bawal at binuksan para sa iyo ang pinto - GO. JUST GO.
Offer it up to God, anu man yan. Give it your best. Ang nahihiya pero wala naman dapat ikakahiya, ay hindi sumusubok. Wag mong antayin iabot sayo, pag bukas ang pinto at pinapapasok ka, Go. Just go.
If it is God's will, kahit anong bundok, bagyo o ano pa man, ay malalagpasan mo.
On the other hand, if it is against God's Will, kahit anong gawin mo, hindi mangyayari yan.
Walang magbubuhat sa yo sa loob. Pwede ka lang akayin ng mga kaibigan, pero syempre, mas maganda kung kasama mo si God.
Give your best offering.
Mabigo ka? Great. Move on. Na try mo. May storya ka ng maikekwento pag dating ng takdang panahon. Try something else.
Nanalo ka? Good. Now you have to give it back to God - for his Glory, Honor and Praise.
Dahil pag di mo sinubukan, matutulad ka sa marami kong mga nakausap na mga hindi sumubok. Nariyan sila lahat, sa tabi tabi, sinisisi ang sarili, sinisisi ang kahapon, sinisisi ang gobyerno, ang pusa, ang aso - kung bakit hindi nila sinubukan.
No comments:
Post a Comment