Sa pagitan ng takipsilim, nagpaalam sa akin ang mga gunitain. Ang mga tanong ay nagliliparan na pawang mga paro paro sa hangin. Bahay at buhay, mga bagay na hindi magkandarapa sa mga oras na umaalipusta. Kamakailan, may dalawang binatilyong sumaksak sa kadiliman. Hawak nila ang leeg nito’t halos magpaalam. Pakinig ko’y nandarambong, pakinig ko naman doon ay away ng tadhana. Humayo’t nagtanong nalaman ko sa Bibliya ang mga sagot sa mga tanong.
Hindi ba’t ang karimlan ay mapangahas mangakit? Hindi ba’t ang awit nito’y kasingtamis ng pulot ng pukyutan? Kapag napadami’y pawang hinahanap hanap. Ganoon nga ang nangyari.
Lacerated. Punctured.
Ang sahod ng kasalanan ay kamatayan.
Ngayon, tuwing ako’y nagmomotor, nadadaanan ko ang mga buhay na tila’y walang pag-asa. Mga kunot nuong simangot umaalintana. Dati rati’y damdamin ko’y nababagabag, ngayon tila parang mga gamo gamong dumadapo sa aking balikat.
Ang mga batas at mga kaganapan ay rumaragasang parang tren na walang preno. Pinamasid sa’kin nagsasayaw na delubyo. Eto ang nangyayari sa mga mapangutyang anino. Tumalikod sa liwanag at niyakap ang hamon ng kawalan.
Ang mata raw ay ang salamin ng kaluluwa, naaalala ko pa ng ako’y tumititig ng masinop. Tanging tanong ko’y ano nga ba ang mayroon sa loob ng mga matang iyon. Binasahan ng gintong salita, ngunit hindi tumagos. Buhay sa buto nila’y nagkandaubos ubos. Pano mo nga ba tutubusin ang tinubos na ng bampira. Ika pa niya’y hamon ng giyera. Noon pala siya’y tuta ng bulok na kaluluwa. Parating may istorya sa ilalim pa ng mga istorya.
Ako na lamang ay natatawa sa salamin ng tadhana.
Hindi ba’t ang lahat ng ito ay nangyari na?
Tanong ko na lamang sa aking sarili’y “Kung lahat ng ito’y nangyari na noon, ano pa kaya ang aking silbi bilang tagapagmasid ng lahat ng ito?”
Buhay at bahay pangarap. Hindi basta basta maikalap.
Tulad ng isang istorya ng isang matandang ale, nais daw niya ang isang maalwang buhay bago ang kanyang pagpanaw. Ngunit alintana ko ang galit sa kapwa. Dasal daw niya’y mapahamak ang may kaya upang siya’y lumigaya.
Mahirap ang hindi humusga.
Ngunit nasasalamin ko nga ang mensahe ng pag-asa.
Bandang huli, isang katanungan ang aking hindi masagot ng tuluyan. Tayo nga ba’y mga hayop lamang?
No comments:
Post a Comment