Monday, March 24, 2008

Ano ang Linux? Wiki Translation to Filipino

This is the translated version of the wiki on Linux.

Photobucket

Linux (karaniwang binibigkas na /'linaks/ sa Ingles ay isang operating system na kapareho ng Unix. Ang Linux ay isa sa mga pinakasikat na halimbawa ng malayang software at open source development; karaniwan dito ang kakayahanag baguhin, gamitin at ipamahagi ang source code.

Ang pangalang "Linux" ay nagmula sa Linux kernel, na sinimulan noong 1991 ni Linus Torvalds. Ang mga aplikasyon at library ay karaniwang nagmumula sa GNU operating system, na inannounce noong 1983 ni Richard Stallman. Ang kontribusyon ng GNU ay ang basehan sa alternatibong pangalan ng Linux na "GNU/Linux"

Kinikilalang sikat sa mga gamit nito sa mga server, ang Linux ay sinusuportahan ng mga korporasyon tulad ng Dell, Hewlett-Packard, IBM, Novell, Oracle Corporation, Red Hat at Sun Microsystems. Ito ay ginagamit bilang operating system ng maraming uri ng computer hardware, kasama na ang mga desktop computers, supercomputers, video game systems tulad ng Playstation 2 at 3, mga larong pang arcade, at mga embedded na kagamitan tulad ng mga mobile phones, routers, at mga pang ilaw sa stage.

Kasaysayan ng Linux

Ang UNIX operating system ay naisip at naimplement noong mga 1960s at unang nilabas noong 1970. Ang malawakang availability at portability nito ay nagdulot nito ng malawakang paggamit, pagkopya at pagbabago ng mga institusyong akademya at mga negosyo, habang ang disenyo nito ay impluwensiyal sa mga awtor ng iba pang mga sistema.

Ang proyektong GNU, na nagsimula noong 1984, ay may hangaring gumawa ng kumpleto at compatible-sa-Unix na software system na sa kabuuan ay gawa sa malayang software. Noong 1985, ginawa ni Richard Stallman ang Free Software Foundation at dinibelop ang GNU General Public License (GNU GPL). Karamihan sa mga program na nangangailangan ng OS (tulad ng mga library, compiler, text editor, Unix shell at windowing system) ay nakumpleto sa simula ng 1990, bagamat ang mga elementong low level tulad ng mga device driver, daemons, at ang kernel ay nadelay at hindi natapos. Sinabi ni Linus Torvalds na kapag handa na ang kernel ng GNU noong taon ng 1991, maaaring hindi na niya nilikha ang sarili niyang kernel.

MINIX

Ang Minix, ay isang sistemang ginawa para sa gamit ng akademya. Nirelease ito ni Andrew S. Tenenbaum noong 1987. Bagamat ang source code nung sistema ay available, ang pagbabago at pagreredistribute nito ay hindi pinahihintulutan (hindi na ngayon). Sa karagdagan, ang disenyo ng MINIX na 16-bit ay hindi angkop sa disenyong 32-bit ng mga nagbababaang presyo at sikat na Intel 386 architecture para sa mga personal na computer.

Noong 1991, sinimulan ni Torvalds ang paggawa sa hindi pang komersyal na pamalit sa MINIX habang siya ay nagaaral sa University of Helsinki. Ito ang magiging Linux kernel.

Noong 1992, si Tenenbaum ay nagpaskil ng article sa Usenet na nagsasabi na ang Linux ay luma na/walang gamit. Sa kanyang article, nagbigay siya ng kritisismo ukol sa operating system sa pagiging monolithic ng disenyo nito at ang karampatang pagdepende nito sa x86 architecture na nagdudulot ng kawalan ng katangian bilang portable. Tinawag niya itong "fundamental error". Hinarap ni Tenenbaum ang kanyang suhestiyon na kung sino man ang may gusto ng isang modernong sistema ay nangangailangang hanapin ito sa modelong "microkernel". Ang pagpaskil na ito ay nagdulot ng pagsagot ni Torvalds at ni Ken Thompson, isa sa mga nagpasimuno ng Unix, na nagdulot sa isang kilalang debate ukol sa disenyong microkernel at monolithic kernel.

Sa simula, umaasa ang Linux sa mga gumagamit ng MINIX. Habang ang mga code na nagmumula sa GNU ay malayang magagamit, malaki ang advantage kapag ito ay maaaring gamitin sa OS na naghihikahos. Ang mga code na sumasailalim sa GNU GPL ay maaaring gamitin sa ibang mga proyekto hanggang sa ito ay nirelease sa ilalim ng pareho o compatible na lisensya. Upang gawing compatible ang Linux kernel sa mga bahagi ng GNU project, sinimulan ni Torvalds ang pagpalit ng orihinal na lisensya (na hindi nagpapahintulot sa komersyal na redistribution) sa GNU GPL. Ang mga debeloper ng Linux at GNU ay nagtulungan upang mapagsanib ang mga bahagi ng GNU sa Linux upang gawing tunay na malaya at kagamit gamit na operating system.

Pagtangkilik at Pagkilalang Komersyal

Sa ngayon ang Linux ay ginagamit sa iba't ibang larangan, mula sa mga sistemang embedded hangang sa mga supercomputer, at it ay naging bantug sa larangan ng mga instolasyong server sa sikat na LAMP application stack. Pinagpapatuloy ni Torvalds ang pagdirek ng debelopment ng kernel. Pinamumunuan ni Stallman ang Free Software Foundation, na siyang sumusuporta sa mga bahagi nitong GNU. Sa wakas, ang mga indibidwal at mga korporasyon ay nagdevelop ng mga pangatlong-grupong hindi-gawa-ng-GNU na bahagi. Etong mga pangatlong-grupong bahagi ay nangangatawan ng maraming bahagi ng trabaho na maaaring kasama ng kernel modules at user applications and libraries. Ang mga nangangalakal sa Linux at ang mga komunidad ay nagsasanib at nagdidistribute ng kernel, mga bahagi ng GNU, at ang mga bahaging hindi-GNU, sa pamamagitan ng karagdagang package management software sa pangangatawan ng mga distribusyon ng Linux.

Disenyo

Ang Linux ay isang operating system na modular. Karamihan sa baysic na disenyo nito ay nagmumula sa mga prinsipyo na inestablish ng Unix mula noong 1970 hanggang 1980. Gumagamit ang Linux ng monolithic na kernel, ang Linux kernel na siyang tagapagasikaso sa pagkontrol ng mga proseso, pag network, access sa mga peripheral at file system, at device drivers ay direktang nakaintegrate sa kernel.

Karamihan sa mga mas mataas na functionality ng Linux ay sinusuportahan ng hiwalay na mga proyekto na nakaintegrate sa kernel. Ang mga tagapagtangkilik ng GNU ay isang mahalagang bahagi ng karamihan sa mga sistemang Linux sa pagbibigay nila ng mga kontribusyon ng mga shell at Unix na kagamitan na gumagawa ng karamihan sa mga basic na gawain ng operating system. Sa ibabaw ng mga kagamitan na ito ay ang mga graphical user interface na nagagamit, karaniwang tumatakbo sa x Window System.

USER INTERFACE

Ang Linux ay maaaring makontrol sa pamamagitan ng isa o higit pang command line interface na nakabase sa text (CLI), graphical user interface (GUI) (karaniwang default sa mga desktop computers) o sa pamamagitan ng mga kontrol sa mga device mismo (karaniwan sa mga device na naka-embed).

To be continued....

2 comments:

  1. super linux tagalog translation!

    keep it up!

    ReplyDelete
  2. Hehe thanks. There are actually a whole lot of technical words that cannot be translated into Tagalog so I had to improvise.

    ReplyDelete

EventId's in Nostr - from CGPT4

The mathematical operation used to derive the event.id in your getSignedEvent function is the SHA-256 hash function, applied to a string rep...