Tuesday, June 16, 2015

The Adventures of a Rookie Real Estate Broker - Chapter I "Chemotherapy"

Maaga akong bumangon at sa aking paggising ay medyo kinakabahan. Luluwas na naman ako pa-Maynila at sasabak sa tinatawag ng marami na "rat race". Mula dito sa kabukiran ay tila nag-iba ang anyo at kasuotan ng mga tao. Paglapag ko pa lamang sa Alabang South Station, iba na nga ang mundo at medyo pakiramdam ko ay tumatanda na ako. Ganun pala pag ika'y namundok o namukid.

Nariyan ang mga estudyanteng magkakaibigan, ang inang naghahatid sa kanyang anak, ang bagong mga graduate na may hawak-hawak na brown envelope, ang mga nag-aapply, ang mga nagbibisi-bisihan na istambay, ang mga turista, ang mga yuppie na may matutulis na itim na sapatos, ang mga mag-nobyang nakaakbay - at nariyan si manong.  

Si Manong sa loob ng Igan Bus papuntang Vito Cruz mula Alabang

"Chemotherapy" 
Tila hindi ko malaman kung paano, magre-react kay Manong. Sa isang panig ay lumalabas ang aking pagka-praktikal na tao. Sa isip-isip ko, "Anong gimik nanaman ito? Kahit siguro isang libong biyahe pa Lawton, pa Alabang o pa-Baguio ay hindi siya makakalikom ng karampatang halaga para sa chemotherapy niya."

Sa aking pagkilatis ay tinignan ko siya - at tinitigan niya ako. Batid ko sa mga namumugto niyang mata, payat na katawan at iba pa, na maaari ngang totoo ang kanyang ipinahihiwatig. Naalala ko tuloy ang lahat ng mga taong yumao na kakilala ko dahil sa kanser. Masakit, malungkot, mapait, ngunit ganoon nga ang buhay.

Parang regalong hiram lamang natin.

Tilang naglalaban laban ang aking mga damdamin sa pagkilatis ko sa kanya. "Bibigyan ba o hindi?" ang tanong na paulit-ulit umaalingawngaw sa aking gunitain. Nais ko sana siyang kausapin, nais ko sana siyang "imbestigahan", ngunit sa bandang huli ay nanaig ang aking pampersonal na lakad at buhay. Hindi ko kayang pagalingin ang anumang sakit mayroon siya, mapa problemang bulsa man ito o mapa kalusugan.

Marami na rin akong libing na napuntahan.

Patawarin sana ako ng Diyos, kung ako'y nagkamali at naging makasarili, binigay ko na lamang ang hawak kong barya.

Sa Las Pinas

Tia Maria Building Las Pinas
Nakarating ako sa Las Pinas at tumuloy sa Star Mall upang maghanap ng bag na maaaring paglagyan ng mga dokumento. Kakailanganin ko ito kung ako'y sasabak sa mga lansangan upang maghanap ng lupa na maipapagbili.

Wala akong nakita na aabot sa aking budget. Kaya ako'y tumigil na lamang sa Coffee Bean, nagbasa ng libro at uminom ng kape.

Ang pamagat ng librong binabasa ko ay "How to Protect Your Property and Business from Lawsuits" ni Jim V. Lopez. Sa aking pagtugis sa librong ito, batid ko na magaling na manunulat si Jim Lopez. Hindi mala teknikal ang kanyang pagtahak sa isang paksang natural na napakabusisi at napaka"boring". Bagkus marami itong mga anekdota at mga katotohanang bumabagabag sa lagay ng tao, sa buhay niya sa mundong ito at sa mga ari-arian niya.


Full Quote:

Bourgeois Blues
Alexis de Tocqueville, the French historian and one of the giants of social thought who wrote Democracy In America in 1835, may have unknowingly unveiled the underlying force behind the evolution of asset protection law: fear of loss of possessions. Generally, inhabitants of a democracy have property, and live in conditions in which men attach most value to property. Tocqueville observed that the passions due to ownership are keenest among the middle class. "The poor often do not trouble much about their possessions," he writes, "for their suffering from what they lack is much greater than their enjoyment of what they have. The rich have many other passions to gratify besides those connected with wealth, and moreover, the long and troublesome management of a great fortune sometimes makes them in the end insensible to their charms." 
But what about the people who belong to the middle class, whose comfortable existence is equally far from wealth and poverty? Members of the middle class place too much value on their possessions. Perhaps, Tocqueville's thoughts about the close affinity of the middle class to their assets were on target when he concluded that "the constant care which it occasions daily attaches them to their property, their continual exertions to increase it make it even more previous to them. The idea of giving up the smallest part of it is insufferable to them, and the thought of losing it completely strikes them as the worst of all evils."
~ (How to Protect Your Property and Business from Lawsuits, 
Jim V. Lopez, 
Anvil Publishing, 2003) 

Yun nga ang Katotohanan
Kung ika'y mahirap, ang mga nasa isip mo parati ay ang kalagayan at problema mo, kung ika'y mayaman hindi mo na iisipin pa ang pagkayaman mo. Kung ikaw naman ay nasa middle class, ika'y nangangamba na mawala ang lahat ng pinaghirapan mo kaya't ika'y patuloy na kikilos ayon sa iyong takot at pangamba. 

Lahat tayo'y mamamatay sa takdang panahon na hindi natin malalaman. Marami akong nakitang mga namatay, mahirap, middle class man o mayaman, sa oras na hindi nila inaasahan. Kapag titingnan mo ang kanilang naging kalagayan, ika'y matutulala din sa tindi ng kanilang kapighatian at higit pa ang kapighatian ng mga naiwan nila. 

Nariyan ang mga mayayaman, na may sangkaterbang ari-arian. Pag sila'y namatay, ang unang problema nila ay ang BIR, Estate Tax. Lalo na pag hindi handa ang pamilya, ang pagbayad ng Estate Tax sa gobyerno at paglakad ng sangkaterbang papeles ay tunay na nakakayanig sa tao na parang malakas na after shock ng lindol ng kamatayan. Kapag sila'y hindi napatnubayan ng husto ay dadanak ang samu't saring problema na ang iba ay dala na rin ng kasalanan at kakulangan ng kaalaman.

Nariyan ang mga mahihirap na baon sa utang at halos walang ari-arian. Sa pagpanaw ng breadwinner ng pamilya ay tila lalo lamang nababaon sa utang ang mag-anak. Paano na ang High School ni Junior? Inutang para maipalibing si Tatay. Paano na ang pagkain natin ngayon? Pinambayad na doon sa 5-6. Anong estate tax, estate tax? CLOA ang hawak, paano nga ba lalakarin yun? Bahala na. Hindi naman tayo basta basta papalayasin ni Mayor. Binoto ko siya e.

Nariyan ang mga middle class. Ang mga problema nila'y pawang isang hakbang sa problema ng mga mayayaman at isang hakbang sa problema ng mga mahihirap.


Business Meeting
Sa aking pagbubulay-bulay sa mga bagay na aking natutunan, pumasok sa aking isipan ang aking pupuntahan. Sinarado ko ang libro, tumayo at lumabas ng Coffee Bean upang magtungo sa opisina ng REBAP, na katabi ng Day by Day Ministries, na siyang paboritong pakinggan ng aking ina. 




First time kong pumunta sa isang "real estate business meeting" ng isang professional real estate organization. Ang una kong tanong sa aking sarili ay "Ano nga ba ang ginagawa ng mga broker sa isang business meeting?"

Ang sagot ay "pansit".

Ang unang ginagawa ay kakain ng pansit. Masarap, malinamnam at nakakatuwa dahil nakakasalamuha mo ang mga taong maaari mong maging mentor o tagapayo. Nariyan na ang mga beterano at may mapupulot ka ngang ginto sa kanilang mga sinasabi.

Mga Payo ng mga Tito at Tita Brokers

"If you're starting out and know nothing about real estate, go into project selling first." 
~ Tito Jimmy 
"Don't be afraid to ask. We are a family." 
 ~ Tita Cynthia

"Every transaction is peculiar, don't be afraid to ask."
~ Tita Eden

"There are literally so many projects to sell - choose and focus on the one you like the most."

~ Tita Zeny

Listing exchange
Tila ito pala'y parang laro, na kung saan, every broker is given a turn to present their listing. Listing, defined loosely, is the property that a broker is selling. So for instance, Broker A has a buyer-client, who is looking for a vacant lot in Canyon Woods, Tagaytay, 400 sqm., overlooking Taal lake and if another broker has a selling-client then the two can exchange this piece of information with each other and they can share the commission. That's the ideal scenario.

In short, para pala itong laro ng Monopoly. Nakakatuwa at nakakalibang.

Sa katunayan, sa ngayo'y inaasikaso ko na muna ang aking lisensya na malapit ko ng makuha. Mangyaring marami pa akong maibabahagi sa inyo na mga adventures.

Kapag ako'y pagpapalain, nais ko sanang ihandog sa Panginoon ang una kong kikitain.

No comments:

Post a Comment

EventId's in Nostr - from CGPT4

The mathematical operation used to derive the event.id in your getSignedEvent function is the SHA-256 hash function, applied to a string rep...