Bago ang lahat, nais ko sanang isipin mo ang katanungang ito , "Ilang puno kaya ang pinutol dun sa lupang tatayuan ng bahay ko?"
Wala nanamang pamasahe si Danny pero ok lang, nakakatuwa nga at may panahon akong makipagbonding sa mga bata. At may kaunting panahon din para makapag-research tungkol sa mga developer na nais kong ipagbili.
Quantity is quality. Sabi kasi sa TV, "spend quality time with kids". Na tipong 5 minutes daw every day basta "quality" time, ok na. Pero ang sabi sa church, "quantity is quality".
Kung pwede nga lang hindi na lumabas ng bahay para lamang makasama sila, mas gugustuhin ko nga iyon, habang bata pa sila. Pero ngayong lumalaki na ang iba sa aking mga anak, siguro, mas mainam na nakikita nilang nagta-trabaho si Papa kahit papaano, at hindi lamang isang housedaddy.
Daig pa niya si Google, nung tinanong ko "What is the meaning of life?" |
"Laway lang daw ang puhunan"
Aba, iyan ata ang isa sa mga pinaka-ignoranteng comment na maririnig mo mula sa mga taong hindi edukado tungkol sa mga propesyon tulad ng pagiging REB o kaya nama'y abogado . Naaalala ko tuloy ang aking ama na noo'y isang abogado.
Nung buhay pa siya, sa amin niya inirereklamo ang ibang mga kliyenta niya habang kumakain kami ng dinner, sasabihin niya, "Nine years ng upper level education para maging abogado. Katakot takot na experience ang kailangan para makakuha ng client na may pambayad, magbibigay ng free legal assistance sa mga mahihirap, magsasakripisyo ng oras na dapat ay nakalaan sa pamilya, magsusunog ng kilay, magbabayad, mag-eexam at lahat lahat tapos sasabihin "Laway lang daw ang puhunan. Yung ibang mga mayayaman na clients, mga milyonaryo na yan ha, sila pa yung tumatawad na parang tumatawad sa presyo ng kamatis sa palengke."
Kaya tuloy, si Papa, habang bumibiyahe sa van namin noon, kasama kami titigil yan pag nakakita ng kahit anong prutas o pagkaing napag-tripan niya.
"Magkano po?" sasabihin niya habang nakadungaw sa bintana.
"150 po ang kilo." sasabihin nung vendor medyo maasim ang mukha sa init ng araw.
"Pwede bang 200 na lang?" ika ni Attorney na may poker face.
Ngiti yung matandang tindera. Hindi pa ata nakakarinig ng tawad na pataas.
Oo nga naman, mga farmers mga yan, hirap na nga sa pagtatanim, hirap sa pagbenta tapos tatawaran mo pa ng limang piso habang naka Fortuner ka?
Kung gusto mo ng professional service, ibigay ang karampatang professional fee.
"Investment"
Ano nga ba ang puhunan sa pagiging real estate broker? Four year course, 120 credit units (last na batch na kami, next year mga BS-REM na lang ang pwedeng maging REB), pag due diligence sa property, pag busisi sa track record ng developer, pabalik-balik na paglalakad sa Registry of Deeds, tripping sa client, paggastos sa advertisement, pagtiis sa ilalim ng araw, pagsabak sa baha, pangsahod sa mga real estate salespersons (legal na terminolohiya para sa mga ahenteng naka kuha ng HLURB at PRC), pag-register sa PRC, HLURB at marami pang iba.
In short, lahat ng yan gagawin namin, habang ika'y parelax relax, pa chill lang sa pool malapit diyan sa condo o subdivision habang umiinom ng iced tea na may lemon pang nakasuksok. :)
Sabay banat, "Have you sold the property Danny?" (Sabay sipsip ng iced tea, habang pawis na pawis ang Danny na tabingi na ang kurbata.)
"Yes Ma'am!" haggard na haggard na ang Danny.
"In the beginning..."
There were strangers asking for your cellphone number, giving you eco-bags filled with house specifications, prices and brochures.
And then there was... more...
More brochures.
After ng oath-taking noong July 10, 2015, nakatanggap ang Danny ng mahigit 200 na email at hindi mabilang na text, tawag at iba pa. Okay lang, wag niyo lang ako bentahan ng Globe line. Walang signal ang Wimax dito di ba? Bakit tawag pa rin kayo ng tawaggggg?!?!?!
Sorry. Memories of Globe Telecoms...
Anyway, pagkatanggap ng tawag ay magpapa-accredit ka doon sa developer. For my techie readers, not the "developer" in the sense of software or app developers but real estate developers. Kasi bago makapagbenta ang isang tao ng sabihin na nating, house and lot sa Avida kunwari, kailangan:
- PRC Licensed Real Estate Broker ka. Then you sign some documents with them, usually Contracts of Agency, etc.
- OR Real estate salesperson. They should have 12 units CPD, 2 year college course and work under the supervision and sometimes - employ - of a PRC licensed real estate broker. They must also work on their PRC and HLURB requirements. Without them, said "real estate agent" or "property consultant" is a "colorum agent" or a person illegally practicing real estate services. Punishable under the RESA law or RA 9646. A real estate broker can hire up to 20 real estate salespersons.
After accreditation, brokers usually go on a trip to the site to see how it looks like. Tripping ng broker.
"Ano ba talagang ginagawa sa accreditation?"
Kumakain. YEHEY!
Masaya at may libreng pagkain. So far eto ang mga nakain ng Danny, for confidentiality purposes hindi ko na ididisclose kung sinong developer ang nagpakain kay Danny ng mga sumusunod na pagkain:
- Max's fried chicken at pansit. Yes! Sarap to the bones.
- Chowking lumpia at pansit, butchi, chicharon fried siomai
- Jollibee Yum, free flowing coffee
- Gourmet food at naka-bow and tie pa po ang mga waiter. Sabi sa kin, ay "Sir, do you need more water?" Aba, syempre todo English mode ang Danny. "Why yes, of course, just a little bit, thank you."
- Adobo at Ministop hotdogs.
- Pansit.
Gourmet. Sabi ni kwan, wow gormet! |
So, biro biro lang naman ang mga comparison. Wag ma ooffend :)
I'm very grateful naman sa kanilang lahat at pinakain ako ng walang bayad. Hindi naman ako araw araw nag JoJolibee o Mcdo tulad ng iba. Kahit kalahating kaha ng Marlboro lights, ok na po sa akin. May mga kakilala kasi ako na broker na nakakatuwa rin naman kung minsan sa hirit, ang sabi ay, "Bitin ako sa rice ayaw ko yung ulam." Sa isip isip ko, pasalamat ka na lang bro at wala ka namang binayaran. :)
Ok pala ang maging real estate broker. Pampered na pampered kami. Parang pakiramdam mo, ay importante ka talaga sa kanila, kahit hindi ka nila kakilala.
So thank God, mukhang okay tong bagong napasukan kong to.
Back to reality
Ang reality ay ganito, mahirap humanap ng buyer lalo na pag andami-damiiiii ng mga developer at broker. 5,220 ba naman kaming pumasa at baka maging 10,000 pa. Ay siya! Sa libo libong mga developer na may site sa iba-ibang lugar, kay raming kailangang ipagbili.
Ang problema. Saan makakakita ng mga buyer?
Sabi nila KKK.
Nung una sabi ko KKK?
"Kuripot Ka Kaya?"
"Kulang Kami Kash?"
Joke lang, kaibigan, kamaganak, kakilala (o kalaguyo daw, sabay iwas sa batok ni Komander)
Parang nahihiya naman akong pagbentahan ang mga kamag-anak ko tapos nun, introvert pa ako. Kaya nga naging writer ang Danny di ba? Kailangan malakas kapit mo. Parang tuko ba?
A si ganyan, big time na kwan. Matawagan nga. Joke lang.
So in all honesty, hindi ko pa alam kung paano talaga magbebenta. That's the sales and marketing part na hindi naman namin lubusong natalakay. But I have a few ideas...
"Mga Drama ni Danny"
Kung minsan, tinotopak ako't sa loob ng kadiliman at kasulok-sulukan ng aking kamalayan ay nakakapagsulat ng mga drama.
Dear Future Filipino, Today, August 11, 2015, we have a nation that's now 101.6 million Filipinos. Nothing has...
Posted by Daniel Andrei Romero Garcia on Monday, 10 August 2015
Kunsabagay, kaya nga writer ang tawag sa kin di ba hindi PR.
Ang motto ko'y
Veritas Lux Mea
The Truth is My Light
O ayan, Latin pa yan ha. Kung minsan pinagbubulay-bulayan ko ang nature ng pagiging real estate broker. Sa isip isip siguro ng 99% ng mga tao, "Aba ma-pira ang mga ganyan." "Aba malaki ang konsumisyon, este, komisyon niyan."
Siguro nga'y totoo para sa kanila. Pero ayaw ko ng ganoon. Ok lang ang magkaroon ng pera para sa pang araw araw na pangangailangan, pambayad ng tuition, pambayad kay Tita Kim, pambayad kay ganyan, ganito. Masaya din siguro ang may apat na gulong at sumasakit na rin ang likod ng Danny sa maalog na tricycle at mala tuberculosis na jeep.
Pero ang dasal ko palagi ay,
"Diyos ko, may hihilingin akong dalawang bagay bago ako mamatay: Huwag akong hayaang maging sinungaling. Huwag mo akong payamanin o paghirapin. Sapat na pagkain lamang ang ibigay mo sa akin. 9 Baka kung managana ako ay masabi kong hindi na kita kailangan. Baka naman kung maghirap ako'y matutong magnakaw, at pangalan mo'y malapastangan."
Kawikaan 30:7-9
"Puno"
Siguro, kung ako'y mabibigyan ng pagkakataong maging successful sa larangan na ito ay imumungkahi ko sa mga developer sa pamamagitan ng batas, na
i-disclose nila sa mga advertisement nila kung ilang puno ang pinagpuputol nila - OR - if you want to present it positively, kung ilang puno ang itinanim nila kapalit ng mga puno na pinutol nila para maipatayo ang project nila.
Siguro mas maganda rin, kung yung mga puno na tinanim ay gagawin ding adopted tree ng mga house buyer. Para magaan naman ang isip ng mga buyer na, aba, bumili na ako ng bahay, nakapagtanim pa ako ng puno. Hindi ko sinira ang environment para lamang magkabahay ako.
Hindi ba mas maganda pag ganoon, may balance.
No comments:
Post a Comment