Wednesday, May 28, 2014

Paano at Bakit Kailangan Bumili ng Domain

Why do you need a domain? A Filipino blogger's tip for new Filipino bloggers. Written in Filipino.

Bakit kailangan ng domain?

Matagal na akong blogger na nagsimula pa noong 2006. Dati rati, ok lang sa akin ang walang domain. Happy na ako sa dannybuntu.blogspot.com.

Ano ang domain?

Ito ang pangalan ng iyong blog o website. Halimbawa: "kuripotako.com"

Ayaw kong bumili ng domain dati, dahil hindi ko alam kung paano bumili at wala rin naman akong pera. Sa katunayan ay mura lang ang iba sa mga ito. Nasubukan ko na ring bumili na ang pinakamababa ay $2 o halos P100 lang. Pero may promo noon at gumamit ako ng "coupon code" o discount code.

Ngayon wala na akong makitang ganong presyo. Karaniwan ang ordinary na domain (tulad ng mga nagtatapos sa .com) ay umaabot ng $10.67 USD o halos P500.

Saan makakabili ng domain?

Maraming pwedeng pagbilihan ng domain. Bahala ka kung saan mo gusto.

1. name.com
2. namecheap.com
3. panabee.com
4. enom.com
5. godaddy.com
6. dot.ph para sa mga .com.ph, .ph, .net.ph, .org.ph

Bakit kailangan ko ng domain? 

Sayang, pwede ring pangjolibee o Starbucks yang P500 na yan. Maraming bagitong blogger ang paulit ulit na nagtatanong.

Ang pinakamabilis at pinakadirektang sagot ko ay ganito:

Pag wala kang domain:

1. Mukha kang bagito - bagay na may dalang iba't ibang persepsyon. Kahit hindi totoo, eto ang dating mo hindi lang sinasabi ng tao. (EXCEPT: Kung kilala kang public personality at napalabas sa TV. O, napalabas ka na ba sa TV? Hindi kasama yung mga panahon na tumatalon talon ka nang maka shoot ng bola sa PBA ang idol mo at nakuhanan ka sa camera dahil suot mo ang jersey niya. Hindi rin kasama yung panahon na ininterview ka dahil kumakain ka ng pishbols sa Umagang Kay Ganda.)

  • a. Wala kang alam o hindi mo inalam
  • b. Kuripot ka at ayaw gumastos ng P500
  • c. Tamad ka dahil ayaw mong pagaralan. 
So what - chocnut? Sabi mo siguro. Hindi ba na kapag may ibinibenta ka mapa serbisyo man o produkto - kailangang mong patunayan na naniniwala ka dito? Higit sa lahat kailangan mong patunayan na may halaga ito. 

Halimbawa: Camella house and lot.

Kunwari, ikaw si galing-abroad-na-umaalingasaw-ng-amoy ng pera galing sa langis ng Dubai o dolyar ng Amerika. Nakashades ka, at branded lahat ng suot mo. Kung magsalita ka e wala na ang punto mo na galing pang probinsya. In short. 

Yu hab kash, meyynnn. 

Ngayon, may lumapit sa'yo 2 tao. Pareho sila ng ibinibenta - Camella House and Lot para sa iyong mader at pader o jowa o gelpren. 

Yung isa, nakakurbata, longsleeves (kahit sankadamukmuk ng init dito sa Pinas), naka balat na sapatos, at magalang magsalita. Pinakita niya sa iyo ang modelo nung bahay at bukod pa roon ay nag-abot siya ng calling card niya sabay ngiti. "Sir" o "Maam" ang tawag niya sayo kahit hindi ka naman ginawang Knight o Lord ni Queen Elizabeth.

Talagang, sa Ingles ay tinatawag na - "Best foot forward

Yung isa naman, ay isang matandang nakatsinelas, naninigarilyo at nakasando lamang. Don't judge a book by its cover ika nga. Pero habang naglalakad siya ay natalisod ng kaunti at napasigaw - "Put%#@ semento yan". Nagulat ka at ang iyong mga kasama at nagpigil na lamang ngumiti. 

"Maayos akong kausap" sabi nung matanda na bungi ng siyang makatindig muli. "Basta ang komisyon ko ay 30%"

Ngumiti lamang yung nakakurbatanag kasama. 

Ngayon, tanong ko lamang, kanino ka kukuha ng Camella House and Lot? Dun sa una o sa pangalawa? 

Ewan ko sa'yo kung ano ang disisyon mo. Pero ang sa akin ay ganito. 

Ang pangalan ng tao ay ang kanyang pangharap na mukha bukod sa kanyang mukha. Ha? Ano?

Ganoon din online. Sino ka? Ako si "boykuripot.com" handang tumulong sa iyong pamperang problema. 

Ngayon kung ang website mo ay "Expertoakosapinansyalplanning.kuripot.com?" sa tingin mo ba ay may papansin sa iyo? Siguro meron - ang may ari din ng hehehekuripotdinako.kuripot.com" 

Kahit gaano ka kagaling o katalino, kinakailangang pa rin ipakita mo na pinaghandaan, ginastusan at pinaghusayan mo ang iyong mga sinasabi at sinusulat. Kung online ka, kailangan may sarili kang pangalan at hindi nakatungtong sa iba.

Kung ayaw mong maniwala, sige at bahala ka sa buhay mo. Pagpatuloy mo lang yan, usap tayo pagkatapos ng limang taon. 


"Ok. Gusto ko ng bumili ng domain"

Tulad ng nakasulat sa ibabaw, maraming pwedeng pagkuhanan ng domain. Mas mahal ang mga .com.ph, .ph, .net.ph at .org.ph kaysa na sa .com, .net at .org. Dati rati ang average price ng domain ay nasa $10 lamang o humigit kumulang sa P410 to P450 ayon sa palitan ng piso at dolyar (USD). 

Pero noong 2013 - yata. Nagkaroon ng mga bagong domain name extension. Nariyan ang mga .realestate, .house, .car at kung ano ano pang . . . Sa awa ng Diyos, wala pa akong nakitang 

 .kuripot

Ngayon, para makakuha ka ng domain, kinakailangan mo ng Paypal at credit card o debit card. 

1. Pag wala kang debit o credit card - hindi mo magagamit ang Paypal account mo o limitado lamang.
2. Niririkomenda ko ang Unionbank savings account - dahil Visa ang kanilang Unionbank Eon Savings Account debit card. 

Patnubay: matagal ko na itong ginagamit at wala akong kahit isang sentimong kumisyon kung magoopen ka ng account sa kanila. May magaapat na ring taon o mahigit. Di ko na matandaan. Naaalala ko lang kasi madalas wala itong laman kahit 3 buwan o mahigit pero hindi nila ito kini-close. 

Dahil masyado na itong mahaba, puputulin ko muna ang aking sinulat. 

Tuesday, May 27, 2014

The Last Post

If you've been a Blogger blogger ever since the glory days when blogs were cool then you would have joined Blogger's Friend Connect. This is where you'll see the posts of the blogs you followed way back in the beginning - when life was just.... different.

I've followed several blogs back then mainly for a particular post but never really got around to reading their later posts.

Today as I was resting, keeping quiet and doing some electronic housekeeping, I chanced upon some of the blogs I followed from the wonder years.

Most of them just stopped. Abandoned blogs floating around with mundane, mysterious or even cryptic last posts. Some of them moved on to greener pastures and are now even writers for Huffington Post. Jonha!

Yet some stopped with very cryptic pieces. Short, concise and straight to the point without giving any details.

Last blog posts like: "Something went wrong."

Freakish huh?

Indeed I would have stopped myself, but organizing my halo-halo thoughts necessitated my dalliance with this $10 a year therapist named Blogger.

There are many things that have happened that I have not written about. Some of them are good.

Indeed the worst thing that could happen to a blogger is to not be able to write even though you have all the freedom in the world to do so. Yes, pseudonyms could work for some, but I've never really had one except for "dannybuntu" - which by now is stuck on me like a giant tuko.

The point is, there will come a time when you will go back to how you started with the way you thought. Blogs are like time machines of thinking and are easier to grasp, organize and sort than Facebook notes, twitter tweets or Google Plus posts. It's how you thought back then, about life. If you're still writing and alive, (duh) it's also about exactly how you got here.

For now, there are certain things that would forever remain in the Draft section of my Blogger account. I'll keep them there, so that maybe one day, they will prove to be useful to get to the deeper aspect of me. Kids always want to know the psyche of their parent's mindset.

It's one way to know how to proceed in life.

Sunday, May 04, 2014

"8"


I was blessed by a relative who held the Youth Camp of their church group here in Virginia’s Garden.


This is and was my goal and vision for this place and it feels very heartening and encouraging to see the throngs of youth, getting to know themselves, helping out in cleaning the garden, knowing Christ and just having fun with nature. To Ralph and Tito Raffy, maraming salamat po and wow, just wow.



After the event, a nice young woman from the group named Wendy then approached me and gave me a book written by John Rodica (@JohnRodica). It was entitled, “8 Simple Tips for Young Entrepreneurs”. 

Today as I was cleaning the pool while watching my kids take a swim, I finally found the time to finish reading it.



It was a very easy read and an uplifting one. His humorous, personal and positive approach to entrepreneurship is refreshing and is good to recommend for the youths of today. I recommend it even to the seasoned entrepreneurs who are still finding their niche and their passion in this world.
So to Wendy, Ralph, Tito Raffy and the group, maraming salamat po! 

I look forward to seeing you more and would love to host you and your group again. Feel free to visit us anytime!


EventId's in Nostr - from CGPT4

The mathematical operation used to derive the event.id in your getSignedEvent function is the SHA-256 hash function, applied to a string rep...